1) Merong walang ginawa kundi mag-reklamo tungkol sa trabaho nya. Para bang ang Facebook ay isang Taksyapo wall na kung saan pwede kang magbasag ng kung ano ano (plato, baso etc.) para lang mailabas mo ang sama ng loob mo sa ka-opisina mo na kinaiinisan mo o kaya sa BOSS mo o kaya sa mismong kumpanyang pinapasukan mo na siyang nagpapa-sweldo sayo at isang malaking dahilan kung bakit ka nakaka pag Facebook sa opisina. (Getting paid for using FB ha?!) hayyy…
2) Merong mahilig mag kwento tungkol sa bawat pangyayari at yugto ng buhay nya (Dapat sa kanya mag Twitter na lang heheh) Kulang na lang pati pagupo sa banyo ay sabihin nya kung ano ang ginagawa nya. Anyway ang purpose naman ng FB o twitter ay microblogging. Natural sa ating mga tao ang maipakita o maipalam sa ating mga kaibigan o kapamilya kahit mumunting detalye ng ating buhay. Lalo na kung malayo tayo sa kanila.
3) Meron namang araw araw nag po post ng “Quote for the day” Sila naman yung kala mo di mauubusan ng Quotes eh cut and paste lang naman yun galing sa websites heheh. Minsan maganda naman ang mensahe. Minsan naman parang nagpapa cute lang. Pero in fairness meron din naman original post. Di nga lang natin alam kung ganun na nga.
4) Videos! Ito na siguro ang pinakamarami at madalas na makikita mo sa Facebook. Kalimitan yung mga nakakatawa, mga Viral videos at yung mga scandals. Pakiramdam mo bay pag nag post ka nito ay feeling mo ikaw ang nauna pero pag tiningnan mo ang Date sa Youtube kung kelan ito na upload susme! 3 years ago pa pala.
5) Pictures, maging ito man ay Family pic, Funny and sometimes Nakakasuka (lalo na yung mga DOTA o ako pix) ibat ibang flavors ibat ibang putahe. (Teka klase ba ng tao ito? Klase ng content ito ah. Well sabi ko nga sa inyo di ako writer waaah)
6) Meron dyang gumagawa ng group para sa Alumni, public figures gaya ni Boy Pickup (eka ako nagpauso nyan ah kaya ng Boy Banat eh tignan nyo yung post ko 2009 pa ), usong salita ngayon bekemon, jejemon at kung ano ano pa.
7) Cyber Bullies. Sila yung mga taong nag po post ng mga di kanais nais na picture (nakakatawa man o nakakahiya) o videos ng iba. Sila rin mga taong mahilig mang-asar maging ng mga ka FB nila. Pero san ka minsan yan din ang paraan nila para magpapansin sa mga Crushes nila. heheh
8) Show-off sila yung mga taong mahilig mag post ng bago nilang gadget, kotse, bahay, mga pictures na ang background ay galing sa ibat ibang bansa. Wala namang masama dito pero por dyos por santo. Pati ba naman laman ng bago mong smartPhone eh kelangan naming makita!
9) Meron ding mahilig mag post ng mga Jokes o kaya ng mga Pickup/Banat lines gaya ko. Sumisikat na nga si Boy Pickup eh dapat Boy Banat na lang pinangalan nila dun at least pang pinoy pa ang pangalan. waaah…
10) And last but not the least yung mga Gamers! Ilang farmville request na ba ang na received mo? Restaurant city, Mapia, Cityville and the list goes on…
Kaya PAK! ikaw na….bahalang mag-share nito ha?