Paano na kung wala ng Mga Banat?:Banat 4 Today
gravatar

Paano na kung wala ng Mga Banat?

BoyBanat6Ang banat4today ay isa sa masasabi kong nag pioneer ng mga malulupit na banat na kalat na kalat sa Internet ngayon. Ito ay sinimulan natin sa pamamagitan ng ating BOY BANAT (strikes again) Series. Isama pa dyan yung Mga Banat ni Bob Ong

Meron sa Blog, meron sa Twitter, sangkatutak na sa Facebook, di rin nawawala sa mag Text o SMS messages.

 

Kung iisipin mo iba ibang flavor na nga ang lumalabas ngayon. Merong english,  tagalog, corny, nakakatawa, cheesy, para sa love, sa mag-asawa, kakaiba, swabe, may dating, walang kwenta. Minsan naman love quotes na hinaluan konting kaharutan. Yung iba ay sweet yung iba naman ay may pagka brutal. At ang mga pinakamagaling ay yung mga pamatay na banat. At nagkalat na rin pala yung mga banat na may pictures na kung makikita mo sa Facebook ay Saannggkatutaakkkkk!!!

 

At dahil dyan ipinanganak naman si Boy Pickup ng Bubble gang na kakaiba naman kung humirit na nagkaroon pang Kape ka ba Music Video.

Sa dinami dami na ng mga Banat lines ngayon parang nalulunod nako kung baga information overload!!!! Itong post na to ay pangalawa sa aking huling Boy Banat Series at ang last ay inaantay ko lang dumami ang post sa Mga BANAT (I-POST ang pinakamatindi mong Banat) page.

Pansamantala nangalap ako ng magagandang banat sites na aking pinagsama sa baba.

 

1) Pinoy Banat Cheesy Punchlines

2) Mga makabagong Banat Lines

3) Love Text Quotes

4) Pamatay na banat

5) Pati pala sa Sulit.com.ph nagkalat na din

6) At isama na natin ang TipidPC.com

 

Ay nakalimutan ko pala ang title ng post na to. Pano na kaya kung wala nang mga banat? Hanggang kalian kaya ito tatagal? Ito ba ay aabot pa sa ating mga apo? O bigla na lang mawawala kasabay ni Boy Pickup? Well, nagtatanong lang po. Basta isa lang ang masasabi ko mawawala na ang “Mga banat” pero ang Banat4Today ay mananatiling bumabanat, ng Mga Jokes syempre!

Wag nyo nga po palang kalimutang  bumisita palagi para sa ating mga bagong post. just remember “Banat4Today, Everyday Humor on the Internet” o kaya just  search Boy Banat sa inyong paboritong Search Engine! Salamatttt!!



Follow by Email

Total Pageviews

Archive

09202011

Uyyy may bagong Post!!! :)

Subscribe to RSS headline updates from:
Powered by FeedBurner